Fiestas at Tradisyon: Pagdiriwang ng Pananampalataya o Pagbalik sa Idolatrya?

Kapag sumapit ang buwan ng Mayo o Disyembre, buhay na buhay ang mga kalsada sa Pinas — may parada, sayawan, banda, pagkain, at siyempre, patronal fiesta. Isa ito sa mga pinakamatatag na aspeto ng kulturang Pilipino. Pero bilang mga mananampalataya, dapat ba tayong makisama sa ganitong mga okasyon?
Saan Nga Ba Galing ang Mga Fiestas?
Ang mga fiesta ay impluwensya ng mga Kastila, partikular ng Simbahang Katolika. Ang bawat bayan ay may patron saint, at taon-taon itong ipinagdiriwang bilang "pagpaparangal." Pero kung babalikan natin ang Bibliya, hindi natin makikita ang ganitong uri ng pagsamba sa mga "patron." Sa halip, itinuturo ng Biblia na si Kristo lamang ang ating tagapamagitan (1 Timoteo 2:5).
Fiesta: Celebration o Confusion?
Hindi masama ang magsaya o mag-celebrate. Sa katunayan, may mga feast din sa Lumang Tipan tulad ng Passover. Pero malinaw ang layunin ng mga iyon: para alalahanin ang kabutihan ng Diyos. Sa ngayon, marami sa ating mga fiesta ay halo na ng superstition, sensuality, at idolatriya. Minsan, nagiging okasyon para uminom, magsugal, at magsayawan — lahat ng ito ay salungat sa kabanalan na itinuturo ng Bibliya (1 Pedro 1:15-16).
Ang Reformed na Pananaw: Sola Scriptura
Ang reformed faith ay naninindigan sa prinsipyo ng Sola Scriptura — ang Salita ng Diyos lamang ang batayan ng ating pananampalataya at pamumuhay. Kung ang isang tradisyon ay walang basehan sa Bibliya o salungat dito, hindi natin ito dapat ikompromiso kahit pa ito'y bahagi ng ating kultura.
Totoo, mahirap iwan ang mga nakasanayang tradisyon, lalo na kung ito ay bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Pero kung ito ay nakakasagasa sa katotohanan ng Ebanghelyo, dapat tayong mamili: Kultura ba o Kristo?
Paano Dapat Tumingin ang Kristiyano sa Mga Tradisyon?
- Evaluate: Tanungin ang sarili, “May glory ba ito kay Christ o distraction lang?”
- Discern: Gumamit ng biblical wisdom. Hindi lahat ng cultural practice ay evil, pero hindi rin lahat ay helpful (1 Cor. 10:23).
- Redirect: Kung maaari, gamitin ang fiesta bilang platform para mag-share ng Gospel — imbes na makisaya lang sa worldly celebration.
Hindi Lahat ng Tradisyon Masama
May mga tradisyon na nakakatulong: bayanihan, mano po, respeto sa magulang. Ang problema ay kapag ang tradisyon ay naging mas mahalaga kaysa sa Salita ng Diyos. Tulad ng sinabi ni Jesus sa Marcos 7:8 — “You have let go of the commands of God and are holding on to human traditions.”
Higit Pa sa Kasayahan: Ang Tunay na Fiesta sa Langit
Bilang mga kristiyano, ang tunay nating inaasahan ay hindi ang pista sa baryo kundi ang kasayahan sa presensya ng Diyos. May darating na araw kung kailan magkakaroon ng “banquet” sa langit (Revelation 19:9). Dito tayo magdiwang — hindi sa isang patay na santo, kundi sa buhay na Tagapagligtas.
Pagmumuni-muni:
Makikisaya ka ba sa tradisyon ng bayan kahit ito'y salungat sa Salita ng Diyos? O pipiliin mong maging tapat kay Kristo kahit ikaw ay kutyain ng iba?
“Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind.” – Romans 12:2
Kategorya: Hugot Faith
Comments
Post a Comment